top of page

Tips how to budget during a financial crisis


Paano ka nagtitipid sa gitna ng pandemyang kinakaharap natin ngayon? Ikaw ba ay isa sa nagke-crave kaya't ang order delivery ay kaliwa't kanan? Bills is waving at you

wala pa ring naiipon?


paano na yan?

HAY BUHAY. Ang pagtitipid ay isa sa "new normal" ngayon kaya naman natutuwa ako dahil maraming tao ang interesado na i-stretch ang kanilang budget sa pamamagitan ng pagbabasa, pagreresearch at pag apply nito sa kanilang buhay. Sa mga tips na ito , sana ay matulungan ko kayo. Hangad ko lagi ang kaligtasan ninyo sa gitna ng pandemyang kinakaharap natin ngayon.






1.Gather all your resources I lista ninyo kung maaari yung mga bagay na pwede niyong pagkakitaan maaaring preloved na damit, gamit sa pagluluto tulad ng steamer instant leche plan business, excess na gamit tulad ng sapatos or bag na pwedeng ibenta. I-check ang laman ng ref maaring mag mix match ka ng gulay at karne para makapagluto ka ng ulam. Minsan nasasayang yung mga gulay na nakakalimutan nating lutuin dahil may bago kang gulay na nabili. Nasisira , kaya nasasayang tuloy natatapon na lang sa basurahan. ❤️Laging ugaliin ang FIFO ❤️First IN, First OUT.

2.Living with Less 🧡"USE IT UP, WEAR IT OUT, MAKE IT DO OR DO WITHOUT". Wag bili ng bili sa pag aakalang kailangan mo ng marami. People, dumadanas tayo ng pandemya at minsan nakakalimutan natin na needs muna bago luxuries. Natural lang na maraming sale ngayon, please wag kang bibigay sa mga bagay na di mo naman talaga kailangan. Yung pera na hawak mo maari mong magamit sa bagay na masasabi mong worth it kesa kahit ano pang materyal na bagay.

3.Decluttering Besh, wag puro cravings , maglinis at magbawas ng gamit. Mag reuse at Magrecycle.Importante to kasi dito mo malalaman na "Ay, meron pa pala ako nitong gamit na to." kaysa "Bibili ako ng bago kasi di ko alam kung nasan na yung ganito ko. Maghahalungkat pa ko."

4.Learn a new skill or upgrade your skills. Magluto at manahi. Bumibili ka sa labas , kasi di mo alam kung paano lutuin pero di mo alam na simple lang gumawa at mura lang ang ingredients makakagawa ka pa ng marami. Youtube is the key ! Sharing is Caring. Sa pananahi naman , marami narin ngayon nagshare ng version 2.0 sa damit na nabili sa ukay or damit na nasa aparador na lang.

5.Reuse, stretch and saved. Pamilyar ba kayo sa linyahan ni Inay na "dagdagan mo ng tubig para dumami." Mga besh , applicable sa dishwashing liquid at shampoo wag lang sa wallet. Tip: ❤️Yung mga sabon na maliit ipunin niyo at ilagay niyo sa stockings isabit niyo sa faucet. Trust me, sobrang laki ng masesave niyo since mayat maya tayo maghugas ng kamay. 🧡Pag nag laba kayo , wag niyong itapon agad yung tubig , pwedeng pambuhos sa cr , panlinis sa motor , ginagamit ko din pg naglilinis ako ng garahe since medyo malumot. 💛Besh , maulan ngayon , nagtataka sila kasi may tubig naman daw kami , pero naglalabas ako ng batya at nagsasalok. Di ko maimagine kung gaano kalaki na save ko pandilig ng halaman at pambuhos ng cr 😂 survival skills 101 😂

6.Establish a business Eto medyo risky ito ngayon , since maraming tao kang makakaharap at pera na mahahawakan pwedeng matransmit yung virus so not advisable pero wala tayong magagawa kailangan may extra income. Marami akong kaibigan na nagwowork , natanggal and now di nila alam kung anong gagawin nila since wala silang ipon, wala ding idea sa negosyo. Kaya importante talaga na may sideline bukod sa work.

7.Grow your own plants 🖤Tips: toge, alugbati, saluyot, kangkong,kamatis, tanglad , onion leeks yan yung ilan sa madaling patubuin . Di na ko mag eexplain sobrang laki ng matitipid mo healthy pa. 8.List all Expenses and Plan a budget Ilista mo lahat ng expenses mo dito mo makikita kung anong category ang kumakain ng malaki kung kayat di ka nakakaipon. Magplano kung paano mababawasan ang expenses then be consistent. Mostly , malaki ang nakakain ng food and groceries category. Tips: 🧡Search for "50 pesos budget meals" why not diba? 💙Search for Alternative para di ka mapamahal sa kahit anong bagay , most of the time brand lang binabayaran mo pero it works and do its purpose still the same. ❤️Alternative for Cleaning surfaces: Suka+water 💚Alternative for Zonrox and Fab con Suka ulit. Na prepreserve at kulay ng damit Walang amoy kulob 💜Para sa Kanin ? Suka ulit. Kung gusto mong di mapanis ang kanin , maputi at maalsa mag lagay ka ng 2 kutsara ihalo sa bigas.

9.Your pantry is everything. 💙 Gumawa ka ng sarili mong food. Makakasigurado ka pang malinis , ligtas at healthy. 🧡Pantry Must Haves ☑️Bigas☑️Pasta☑️Toyo☑️Suka☑️Patis☑️Asin☑️Paminta☑️Laurel☑️Monggo☑️Curry Powder☑️Chili Powder☑️Flour☑️Cornstarch☑️Oil☑️Seasoning☑️Eggs☑️Dried Fish☑️Canned goods☑️Instant Meals☑️Bagoong/fermented foods☑️Catsup

Yan lang yung basic, pero marami pa yung list. Imagination mo ang limit 😂 Yung pantry ko , di sya yayamanin dahil hindi ako bumabase sa brand mura lang yung product na binibili ko pero same taste tulad ng brand na alam mo.

10.Research Tips: In pinterest or Youtube search for the topics like: How to survive in Depression Era Frugal hacks from the depression era Survival Tips Emergency Kit Easy recipes Recipes under 50 pesos Emergency preparedness


 
 
 

Comments


Post: Blog2 Post

©2021 by TIPID TIPS. Proudly created with Wix.com

bottom of page